Bionote Ang bionote ay maituturing ding isang uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat ng personal profile ng isang tao.
Bionote Ang bionote ay maituturing ding isang uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat ng personal profile ng isang tao. Marahil ay nakasulat ka na ng iyong talambuhay o tinatawag sa Ingles na autobiography o kaya ng kathambuhay o katha sa buhay ng isang tao o biography. Parang ganito rin ang bionote ngunit ito ay higit na maikli kompara sa mga ito. Ayon kay Duenas at Sanz (2012) sa kanilang aklat na Academic Writing for Health Sciences, ang bionote ay tala sa buhay ng isang tao na naglalaman ng buod ng kanyang academic career na madalas ay makikita o mababasa sa mga journal, aklat, abstrak ng mga sulating papel, web sites, at iba. Kadalasan, ito ay ginagamit sa paggawa ng bio-data, resume, o anumang kagaya ng mga ito upang ipakilala ang sarili para sa isang propesyonal na layunin. Ito rin ang madalas na mababasa sa bahaging "Tungkol sa Iyong Sarili" na makikita sa mga social network o digital communication sites. Halimbawa nito ay ang bionote o pagpapakilala sa sarili ng mga gumnagawa ng blog. Ito ang nagpapakilala ng ilang mahahalagang detalye sa buhay ng kung sino ang nasa liked ng blog. Ito rin ay masaring magamit ng taong naglalathala ng isang aklat o artikulo. Sa madaling salima, layunin ng bionote na maipakilala ang sarili sa madla sa pamamagitan ng pagbanggit ng mga personal na impormasyon tungkol sa sarili at maging ng mga nagawa o ginagawa sa buhay. Mga Bagay na Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Bionote Narito ang mahahalagang bagay na dapat tandaan sa pagsulat ng bionote. Sikaping maisulat lamang ito nang maikli, Kung ito ay gagamitin sa resume kailangang maisulat ito gamit ang 200 salita. Kung ito naman ay gagamitin para sa networking site, sikaping maisulat ito sa loob ng 5 hanggang 6 na pangungusap. 2 Magsimula sa pagbanggit ng mga personal na impormasyon o detalye tungkol sa iyong buhay. Maglagay rin ng mga detalye tungkol sa iyong mga interes, Itala rin ang iyong mga tagumpay na nakamit. gayunman, kung ito ay marami, pillin lamang ang 2 0 3 na pinakamahalaga. Isulat ito gamit ang ikatlong panauhan upang maging litaw na obhetibo ang pagkakasulat nito. Gawing simple ang pagkakasulat nito. Gumamit ng mga payak na salita upang madall itong maunawean at makamit ang totoong layunin nitong maipakilala ang iyong sarili sa iba sa maikli at tuwirang paraan, May ibang gumagamit ng kaunting pagpapatawa para higit na maging kawili-will ito sa mga babasa, gayunman iwasang maging labis sa paggamit nito. Tandaan na ito ang mismong maglalarawan kung ano at sino ka. S. Basahing muli at muling isulat ang pinal na siping iyong bionote. Manaring ipabasa muna ito sa iba bago tuluyan itong gamitin upang matiyak ang katumpakan at kanyusan nito. Sanggunian: humidor
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Abstrak 1. Bilang bahagi ng alituntunin ng pagsulat ng mga akdang pang-akademiko, lahat ng mga detalye o kaisipang ilalagay rito ay dapat na makikita sa kabuoan ng papel; ibig sabihin, hindi maaaring maglagay ng mga kaisipan o datos na hindi binanggit sa ginawang pag-aaral o sulatin. 2. Iwasan din ang paglalagay ng mga statistical figures o table sa abstrak sapagkat hindi ito nangangailangan ng detalyadong pagpapaliwanag na magiging dahilan para humaba ito. 3. Gumamit ng mga simple, malinaw, at direktang mga pangungusap. Huwag maging maligoy sa pagsulat nito. 4. Maging obhetibo sa pagsulat. Ilahad lamang ang mga pangunahing kaisipan at hindi dapat ipaliwanag ang mga ito. 5. Higit sa lahat ay gawin lamang itong maikli ngunit komprehension kung saan mauunawan ng babasa ang pangkalahatang nilalaman at nilalayon ng pag-aaral na ginawa
Collepals.com Plagiarism Free Papers
Are you looking for custom essay writing service or even dissertation writing services? Just request for our write my paper service, and we'll match you with the best essay writer in your subject! With an exceptional team of professional academic experts in a wide range of subjects, we can guarantee you an unrivaled quality of custom-written papers.
Get ZERO PLAGIARISM, HUMAN WRITTEN ESSAYS
Why Hire Collepals.com writers to do your paper?
Quality- We are experienced and have access to ample research materials.
We write plagiarism Free Content
Confidential- We never share or sell your personal information to third parties.
Support-Chat with us today! We are always waiting to answer all your questions.
